2 Pinoy kumpirmadong patay sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas –DFA

Kinondena ng Pilipinas ang pagpatay sa dalawang Pilipino na nagresulta sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Sa post sa social media ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi na kinukondena rin ng bansa ang lahat ng akto ng terorismo at karahasan sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ayon sa kalihim, handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang mga bansa para makamit ang resolusyon sa matagal nang awayan sa pagitan ng dalawang panig alinsunod sa international laws at UN Security Council resolutions.

Tiniyak din ni Manalo na magpapatuloy ang assistance ng gobyerno ng Pilipinas sa lahat ng mga apektadong Pilipino sa Israel at Palestine.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *