20 bahay, nasunog sa San Nicolas, Maynila
Nasa dalawampung bahay ang nasunog sa isang residential area sa 1070 at 565 Valderama St., San Nicolas, Maynila kung saan tinatayang umabot sa 40 pamilya ang naapektuhan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang 3- storey residential structure na pag-aari ng isang Richard Matuginas at inuokopahan ni April Matuginas Rafael bandang alas 8:29 ng umaga hanggang sa umabot na ito sa ikalawang alarma.
Ideneklara itong fire out bandang alas 9:09 ng umaga.
Mabuti na lamang at walang nasawi o nasugatan sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing problema sa kuryente ang sanhi ng sunog.
Tinatayang nasa limang-libong piso ang halaga ng pinsala ng sunog.
Pansamantala namang nagtayo ng mga tent para sa mga nasunugan kung saan pinadadalhan ang mga ito ng ayuda mula sa pamahalanag lokal ng Maynila.