20 Bilyong piso, ilalaan para pambili ng bakuna sa mga menor de edad – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na mayroong paghuhugutan ng pondo upang ipambili ng anti-COVID 19 vaccine para sa mga menor de edad.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, aabot sa 20 bilyong piso ang kakailanganin para makabili ng bakuna laban sa COVID 19 na gagamitin sa mga nasa edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Dominguez tinatayang nasa 15 milyon ang babakunahang menor de edad sa bansa.
Inihayag ni Dominguez huhugutin sa Reserved fund ng 2021 National Budget ang 20 bilyong pisong pondo na ibibili ng bakuna sa mga menor de edad.
Batay sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force o IATF isasama ang mga menor de edad na babakunahan laban sa COVID 19 para magkaroon na ng face to face classes sa mga paaralan.
Vic Somintac