20 na umento sa minimum wage sa NCR, aprubado na 

Bahagyang tataas  ang minimum daily wage sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre.

Sinabi ni Labor secretary Silvestre  Bello III, ilalabas sa susunod na buwan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) kung magkano ang dagdag sahod.

Sa Oktubre 5 nakatakda ang opisyal na deliberasyon ng RTWPB-NCR sa bago nitong wage order para sa 2018.

Gayunman, batay sa nakuhang impormasyon ni Secretary Bello, 20 piso ang dagdag sa daily minimum wage.

Sa kasalukuyan,  nasa 512 piso ang minimum wage sa NCR.

Aminado ang kalihim na maliit ang 20 piso na umento sa sahod ngunit sa ngayon anya ay ito lamang ang kaya ng mas maraming employers.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *