20 pesos per kilo na bigas posible pang mangyari ayon sa Kamara
Maaari pang magkaroon ng 20 pesos kada kilo na halaga ng bigas sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito ang inihayag ni agri partylist representative Wilbert Lee matapos ihain ang house bill 9020 o cheaper rice act.
Ang cheaper rice act ang magbibigay daan para maitatag ang rice incentivization self sufficiency and enterprise o rise program.
Sa pamamagitan ng rise program maglalaan ang gobyerno ng pondo para i-subsidize ang production ng bigas ng may 2.6 milyong mga lokal na magsasaka .
Inihayag ng mambabatas sa pamamagitan lamang ng government subsidy mapapababa ang presyo ng bigas at magiging afordable sa mga mahihirap upang matiyak ang food security sa bansa.
Sa ngayon naglagay ang gobyerno ng price ceiling sa presyo ng bigas sa pamamagitan ng executive order number 39 na nagtatakda ng 41 pesos ang kada kilo ng regular milled rice at 45 pesos ang kada kilo ng well milled rice.
Vic Somintac