200 exhibitors lumahok sa 34th Philippine Travel Mart
Bukas na ang tatlong araw na local tourism fair na Philippine Travel Mart na isinasagawa sa Lungsod ng Pasay.
Ayon sa Philippine Tour Operators Association (PHILTOA), lumahok sa 34th Philippine Travel Mart ang 200 exhibitors na layuning maipromote ang mga kilala nang tourist destinations at maging ang emerging at hidden tourist spots sa Pilipinas.
Sinabi ng PHILTOA na ang domestic tourism ang pangunahin pa rin na driver ng turismo sa bansa.
Tampok sa taunang travel fair ang tour packages na iniaalok mula sa 17 rehiyon.
Bukod sa pavilions ng regional tourism offices at LGUs, kasama rin sa Philippine Travel Mart ang hotels, resorts, travel agencies, airlines, at tour operators na nagaalok din ng mga diskuwento at promos sa mga lokal na turista.
Isa sa exhibitors ang mga mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na binubuo ng Basilan, Sulu, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, at Maguindanao del Norte na nagpapakita sa kanilang beaches, exotic food, at distinct architecture.
Hinimok naman ng PHILTOA ang mga Pilipino na tangkilikin at diskubrehin ang marami pang natatago at under the radar na destinasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Moira Encina