2018 Bar Exams itinakda sa apat na linggo ng Nobyembre
Itinakda ng Korte Suprema sa apat na linggo ng Nobyembre ang petsa ng pagsasagawa ng 2018 Bar Examination.
Sa abiso ni Bar Confidant at Supreme Court Deputy Clerk of Court Atty Maria Cristina Layusa, isasagawa ang Bar Exams sa November 4, 11, 18 at 25 sa UST sa Maynila.
Sa umaga ng November 4 , political at International Law ang bar exam coverage habang Labor Law at Social Legislation naman sa hapon.
Sa ikalawang linggo ng exam,o sa November 11, Civil Law sa umaga habang Taxation Law naman sa hapon.
Sa ikatlong linggo, Mercantile Law sa umaga habang Criminal Law sa hapon at sa huling linggo ng bar exams , remedial law sa umaga habang Legal and Judicial Ethics at practical exercises naman sa hapon.
Puro essay-type questions ang 2018 bar exams.
As of October 1, umaabot sa 8,752 ang bilang ng mga bar examinees
Sinimulan na ng Korte Suprema ang pagiisyu ng bar exam permits sa mga kukuha ng exam.
Ulat ni Moira Encina