2018 National budget na nagkakahalaga ng ₱3.767 trillion hihilingin ni Pangulong Duterte sa kongreso sa SONA

Binalangkas na ng Malakanyang ang 2018 National Budget na hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa isasagawang State of the Nation Address o SONA sa July 24.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na napagkasunduan sa pinakahuling cabinet meeting sa Malakanyang na aabot sa ₱3.767 trillion ang 2018 National Budget na sinasabing mataas ng 12.4 percent sa 2017 National budget na nagkakahalaga ng ₱3.35 trillion.

Ayon kay Abella pinakamalaking makakakuha ng budget ang Department of Education, kasunod ang Department of Public Works and Hihgways, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Autonomous Region in Muslim Mindanao at Department of Environment and Natural Resources.

Binigyang diin ni Abella na ang 2018 National Budget ay kinapapalooban ng pondo na gagamitin sa mga proyekto sa ilalim ng Dutertenomics.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *