2018 National budget target maipasa ng Kamara sa Oktubre
Tiwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na kakayanin ng mababang kapulungan ng Kongreso na mapagtibay ang P3.767 trillion 2018 National budget sa Oktubre.
Sinabi ni Alvarez na magiging mahigpit ang kanilang gagawing pagsusuri sa pagtalakay ng pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ito ay para matimbang ang kakayahan ng pamahalaan na matustusan ito.
Nabatid na ang pambansang pondo sa susunod na taon ay 12.4 percent na mas mataas kumpara sa pambansang pondo sa kasalukuyang taon.
Sinabi naman ni House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles na pipilitin nilang maisalang sa ikatlo at huling pagbasa ang 2018 National budget sa Oktubre.