2022 Bar Exams isasagawa sa apat na araw ng Nobyembre
Inilabas na ng Korte Suprema ang mga petsa ng pagsasagawa ng 2022 Bar Examinations.
Gaya sa mga nakalipas bago magkaroon ng pandemya, sa Nobyembre na muli ang pagdaraos ng bar exams.
Sa bar bulletin na inisyu ni Supreme Court Associate Justice at Bar Chairperson Alfredo Benjamin Caguioa, sinabi na gaganapin ang eksaminasyon sa Nobyembre 9 (Miyerkules), Nobyembre 13 (Linggo), Nobyembre 16 (Miyerkules), at Nobyembre 20 (Linggo).
Ayon kay Caguioa, magiging digitalized pa rin ang pagsusulit kasunod ng matagumpay na computerized at regionalized 2020/2021 Bar Exams.
Iaanunsiyo ng SC sa ibang araw ang mga detalye sa exam venue selections.
Maglalabas din ng hiwalay na bulletin ang Korte Suprema ukol sa testing software program na gagamitin sa bar exams.
Moira Encina