“2022 Kite Flying Competition” isinagawa sa C6 open field sa Taguig City
Dalawampu’t limang saranggola ang nagpaligsahan sa pagandanhan ng disenyo, visual impact at husay sa paglipad.
Pangkat-pangkat ang pagpapalipad ng entries, na binigyan ng sampung minutong flying time.
Layunin ng #ProjectFlyHigh na panatilihing buhay ang mayamang kultura ng mga Filipino at muling ipakilala sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagpupursige para sa kanilang hilig at layunin.
Dumalo sa nasabing kumpetisyon at isa sa naging panauhin si AJ Manaog, pangulo ng grupong Saranggola ng Pilipinas, na masiglang nagbahagi ng kaniyang kaalaman.
Virnalyn Amado
Please follow and like us: