2022 Shari’ah Bar Exams passers, nakapanumpa na
Nanumpa na ang 156 na pumasa sa 2022 Special Shari’ah Bar Examinations.
Ginanap ang oathtaking ng mga bagong Shari’ah practitioners sa Supreme Court En Banc Session Hall.
Sumaksi sa panunumpa ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ang Special Shari’ah Bar Exams ay isinagawa noong Marso 20 at 22 sa UP Diliman.
Mula sa 532 examinees, kabuuang 156 ang pumasa sa pagsusulit o 29.66% na passing rate.
Si Cayasalam Ambung-Maniri ang nanguna sa eksaminasyon na nakakuha ng 85.625%.
Idinadaos kada dalawang taon ang Shari’ah bar exams na sinimulan noong 1983.
Moira Encina
Please follow and like us: