2022 World Cup jerseys ni Messi hinuhulaang maibebenta ng higit sa $10 million sa auction
Itatampok sa isang auction sa Disyembre ang isang set ng anim na jerseys na ginamit ni Lionel Messi sa matagumpay na laro ng Argentina kung saan napanalunan nila ang 2022 World Cup, kung saan inanunsiyo ng Sotheby’s na tinatayang aabot ito ng mahigit sa $10 million.
Ginamit ng football star ang jerseys sa first halves ng group-stage rounds laban sa Saudi Arabia at Mexico, at maging sa games laban sa Australia, the Netherlands at Croatia, at sa final laban sa France.
Ang pagkapanalo ng Argentina sa Qatar noong isang taon ang itinuturing na “final feather in the forward’s cap,” dahil nabigo silang manalo sa apat na naunang World Cups.
Ayon sa Sotheby’s, “If those jerseys indeed fetch above $10 million, that could make the sale the most valuable collection of sports memorabilia ever auctioned off.”
Ang pinakamahal na individual jersey na naipagbili sa auction ay ang sa basketball legend na si Michael Jordan, na isinuot niya sa panahon ng NBA finals kasama ng Chicago Bulls noong 1998.
Naibenta ito ng $10.1 million noong isang taon.
Napansin ng auction houses nitong nakalipas na mga taon ang sports memorabilia, na itinuturing na isang lumalagong merkado.
Ang jerseys ay dinala sa auction ng US tech startup na AC Momento, na tumutulong sa mga atleta na i-manage ang memorabilia collections.
Bahagi ng mapagbibilhan ay ido-donate sa UNICAS Project, isang inisyatiba kasama ang isang children’s hospital sa Barcelona na tumutulong sa mga batang may kakaibang mga sakit.
Available naman para sa libreng public viewing ang jerseys ni Messi kapag ito ay ini-auction na, simula November 30 hanggang December 14.