2024 proposed budget ng office of the president inaprubahan agad ng House Committee on Appropriations gamit ang inter-department courtesy policy

Bagamat gustong harangin ng minority block ng kamara nanaig parin ang boto ng mayorya na miyembro ng house committee on appropriations na agad na pagtibayin ang 2024 proposed budget ng Office of the President na nagkakahalaga ng 10.7 billion pesos gamit ang tradisyon na inter-department courtesy policy.

Naging sentro ng manifestation ng minority block sa Kamara ang 4.5 bilyong pisong confidential and intillence fund ng Office of the President.

Kinuwestiyon din ng minority group ang local and foreign travel fund ng office of the president na nagkakahalaga ng 1.8 bilyong piso.

Batay sa paliwanag ng Office of the President ang travel fund ng Pangulo ay naglalayon na ikampanya ang pilipinas bilang investment hub sa ibat-ibang panig ng mundo.

Batay sa record ng OP mula noong june 2022 mayroon ng 11 foreign travel si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na kinabibilangan ng mga bansang Indonesia, Singapore, Thailand, Amerika, Cambodia, Belgium, China, Switzerland, Japan, United kingdom at Malaysia na nagbunga ng 71 billion dollars na investment pledges.

Pinasalamatan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kumatawan sa OP ang House Committee on Appropriations sa papel na ginagampanan nito para pagtibayin ang budget ng executive department upang magampanan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang kanyang presidential duty.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *