22 ang patay, dose-dosena ang nasaktan sa nangyaring baha sa Ecuador
Hindi bababa sa 22 ang nasawi sa Quito, sa pinakamatinding pagbaha na naranasan sa Ecuador sa dalawang dekada.
Dalawampung katao ang nawawala at 47 ang nasaktan ayon sa SNGRE emergency service ng Ecuador.
Sa video footage ay makikita ang mga bahay na tinatangay ng baha, kasama ng putik at debris sa mga kalsada sa kapitolyo ng Ecuador, habang nagkukumahog naman ang rescuers na tulungan ang mga residenteng makaligtas sa rumaragasang tubig-baha.
Ang 17 oras na tuloy-tuloy na pag-ulan sa Quito mula noong Lunes, ang sanhi ng malaking baha na sumira sa mga lansangan, agricultural areas, mga klinika, mga paaralan, isang istasyon ng pulis at isang electric power substation.
Ayon kay Quito Mayor Santiago Guarderas . . . “The downpour had overwhelmed a hillside water catchment structure that had a capacity of 4,500 cubic meters but was inundated with more than four times that volume. The resultant failure sent a kilometer-long (half-mile-long) deluge through a sports field where volleyball players were practicing with spectators on the sidelines.”
Ayon sa nakasaksing si Freddy Barrios Gonzalez . . . “People who were playing couldn’t get away. It grabbed them suddenly. Those who managed to run were saved (but) a family got buried under a river of mud. There they died.”
Hindi pa agad nalaman kung gaano karaming players o spectators ang kasama sa kabuuang bilang ng namatay at nasaktan.
Hindi inaalis ni Quito police chief Cesar Zapata, na makakakita pa sila ng mga bangkay sa ilalim ng libu-libong talampakang lalim ng putik at debris na iniwan ng baha.
Sinabi naman ng rescuer na si Cristian Rivera, na maraming tao sa Quito ang kailangang gamutin para sa hypothermia.
Nawalan din ng kuryente sa ilang lugar makaraang bumagsak ang mga poste ng kuryente.
Nagdeploy na ang pamunuan ng munisipalidad ng heavy machinery para linisin ang mga kalsada at ayusin ang nasirang water catchment system.
Ipinadala naman ang mga sundalo para tumulong sa search and rescue efforts ng pulisya at fire brigades.