24/7 Vaccination program,planong ipatupad ng IATF – Malakanyang
Pag-aaralan ng National Task Force against COVID- 19 o IATF na gawing 24/7 ang Vaccination program sa Pilipinas.
Ito ang planong ipatupad ng IATF kapag dumating na ang milyun milyong doses ng anti COVID 19 vaccine na binili ng Pilipinas sa ibat ibang pharmaceutical company.
Sinabi ni National Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon nais ng gobyerno na mabilis ang pagbabakuna sa general population.
Ayon kay Dizon gagawing dalawa o tatlong shifts ang duty ng mga Vaccinator kada araw.
Inihayag ni Dizon target ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna sa 3.4 milyong medical frontliner sa Hunyo.
Hinihintay ng Pilipinas ang mga dagdag na bakuna mula Sinovac ng China, AstraZeneca ng United Kingdom, Pfizer at Moderna ng Amerika.
Vic Somintac