2,400 Katao stranded sa pantalan dahil kay Bagyong Enteng
Nasa higit dalawang libong pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan ng Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas dahil sa bagyong Enteng.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, may 47 vessels, 603 rolling cargoes, at 3 motor bancas ang stranded rin.
Habang may 16 vessels at 20 motorbancas naman ang naka shelter bilang pag-iingat dahil sa masamang panahon.
Samantala nag abiso naman ang Philippine Ports Authority ng mga kanseladong biyahe.
Sa Batangas kanselado ang biyahe ng mga fastcraft papuntang Puerto Galera at calapan sa Oriental Mindoro.
Sa port management office sa Marquez sa quezon suspendido lahat ng byahe ng roro
Sa Bicol kanselado biyahe lahat ng biyahe ng sasakyang pangdagat mula sa Matnog, Bulan, Pio Duran, Tabaco, at Virac
Sa Masbate kanselado rin lahat ng biyahe ng sasakyang pangdagat.
Kanselado rin ang biyahe ng mga Motorbanca at barkong mula at patungo sa mga lugar na sakop ng Northern Samar, Western Samar, kabilang na ang Calbayog, at hilagang silangang Leyte.
Madelyn Villar- Moratillo