25 patay at 50 ang nawawala sa nangyaring landslide sa Venezuela
Hindi bababa sa 25 katao ang nasawi habang 50 ang nawawala sa nangyaring landslide sa Venezuela, makaraang umapaw ang isang ilog bunsod ng napakalakas na mga pag-ulan.
Kabilang sa nawasak ay mga bahay at business establishments sa nangyaring landslide, na nag-iwan ng putik at debris gaya ng bumagsak na mga puno, household items at sirang mga sasakyan, sa bayan ng La Tejerias.
Sinabi ni Vice President Delcy Rodriguez, “We are seeing very significant damage here, human losses.”
Ayon naman kay Interior Minister Remigio Ceballos, “Unfortunately so far we have 25 people who were recovered dead. We also have 52 missing,” at idinagdag na nagpapatuloy ang rescue efforts kung saan halos nasa isanglibong katao na aniya ang tumutulong.
Sinabi pa ni Ceballos, “We had a huge landslide as a result of the changing climate,” na ang tinutukoy ay ang epekto ng Hurricane Julia na dumaan sa hilaga ng Venezuela noong gabi bago nangyari ang landslide. “There was a record rainfall, these strong rains saturated the ground.”
Isang residente ng Las Tejerias na nakilalang si Jose Santiago, ang 40-minutong nangunyapit sa isang antenna habang tinatangay ng napakalaking baha ang ilang mga bahay kasama ng putik pati na ang bahay niya.
Kuwento ng 65-anyos “The river caught me and I couldn’t find anything to do besides climb a roof and grab onto an antenna.”
Samantala, nagdeklara si President Nicolas Maduro ng tatlong araw na national mourning para sa mga biktima, habang ginamit naman ng mga taga Venezuela ang social media para mag-alok ng tulong sa nasabing bayan na naputol na rin ang linya ng komunikasyon at elektrisidad.
Inihayag ng Caracas baseball team na Los Leones, na mag-o-organisa sila ng isang koleksiyon para sa mga biktima, kung saan hihingi sila ng “non-perishable foods, tubig at mga damit.”
Ang nangyaring landslide na dulot ng pinakamalaking pagbaha ng ilog sa lugar sa loob ng 30 taon, ang pinakamalala ngayong taon sa Venezuela, na nakaranas ng “historic rain levels” ntong nakalipas na mga buwan.
Noong Agosto, hindi bababa sa 15 katao ang namatay sa Andes makaraang magkaroon ng mud at rockslides bunsod ng malalakas na pag-ulan.
At nitong Setyembre, walo katao ang nasawi matapos tangayin ng baha dahil sa matinding pag-ulan, sa kanlurang bahagi ng bansa.
Halos 10,000 katao naman ang namatay sa napakalaking landslide noong 1999 sa estado ng Vargas, sa hilaga ng Caracas.
© Agence France-Presse