25,000 trabaho sa Japan i-aalok sa job fair ng DMW sa Agosto 1
Tinatayang 25,000 trabaho sa Japan ang i-aalok ng Department of Migrant Workers (DMW) sa job fair na isasagawa nito sa Mandaluyong City sa Agosto 1.
Ito ang inanunsiyo ng DMW sa Philippines – Japan Friendship Week na dinaluhan ni Japanese Ambassador Kazuya Endo.
Screen grab from DMW FB
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, ito ang kauna-unahang country-specific job fair na idaraos ng DMW.
Aniya, “Doon po kasama po ng valuable Philippine Recruitment Agencies partners at ang ating sariling placement office ay magkakaroon ng job fair para lamang sa Japan.”
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring mag-apply sa mga skilled at semi-skilled job sa Japan, sa mga sektor ng kalusugan, construction, hotel and restaurant at customer service.
Sa pinakahuling tala ng DMW, nasa 300,000 ang OFWS sa Japan.
Screen grab from DMW FB
Sinabi naman ni Ambassador Kazuya na nakaambag nang malaki ang OFWS sa Japan para mas mapabuti at mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Japan.
Sinabi ni Kazuya, “Our people to people exchange has shaped up to be the most impt as it highlights our peoples key characteristics and fosters a deeper connection between filipinos and japanese. The overseas filipino workers have been a huge part of this exhange. Indeed hundreds of thousands of filipinos have called japan their second home and have continuosly shown their expertise and skills.”
Tiniyak naman ng Japanese envoy na ginagawa ng gobyerno ng Japan ang lahat para mapangalagaan ang kapakanan ng OFWS.
Screen grab from DMW FB
Pinagbubuti rin aniya ng Japan ang mga polisiya nito para mapagbuti ang working environment sa mga dayuhang manggagawa.
Ayon kay Kazuya, “We are one with the Philippines in ensuring OFWs obtain decent work. We mandate all foreign workers receive same wages protection bemefits as their japanese counterparts.”
Moira Encina-Cruz