256.5 milyong pisong halaga ng tobacco products at iba pang sangkap sa paggawa ng sigarilyo nasabat
Aabot sa 256.5 milyong pisong halaga ng tobacco products at iba pang sangkap sa paggawa ng sigarilyo ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation Special Action Unit sa ginawang raid sa Trece Martires, Cavite.
Ayon sa BOC, 4 na chinese nationals rin ang nasabat sa nasabing operasyon.
Ang mga nasabing chinese national, mahaharap sa kasong may kaugnayan sa smuggling.
Ayon sa BOC may mga finished products pa ng sigarilyo na may iba’t ibang brand ang kanilang nasabat sa nasabing warehouse.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: