27 pinangangambahang nasawi sa sunog sa isang gusali sa Osaka, Japan
Dalawampu’t pito katao ang pinangangambahang namatay sa nangyaring sunog sa isang gusali, sa isang commercial district ng Osaka City sa Japan.
Makikita sa TV footage ang dose-dosenang pamatay sunog sa loob at labas ng walong palapag na gusali makaraang mapatay ang sunog.
Ang sunog na interior ng ika-apat na palapag ng makipot na gusali ay makikita sa mga basag at maitim na bintana.
Ayon sa local media, nasa ground floor ng gusali ang isang klinika na nagkakaloob ng mental health services at general medical care.
Sinabi ng isang opisyal ng Osaka fire department, na wala nang senyales na buhay pa ang 27 sa 28 kataong nasaktan sa sunog na pawang itinakbo sa pagamutan.
Aniya . . . “The fire was detected at 10:18 am at the fourth floor,” they said. As of noon, 70 fire engines are at the scene. The blaze, in the busy business area near Kitashinchi train station in the city in western Japan, had been put out after half an hour.”