275 staff at researchers mula sa gobyerno at public universities, sumailalim sa ecosystem valuation training ng USAID

Nakatapos ng tatlong buwan na pagsasanay sa ecosystem valuation ang 275 staff at researchers mula pamahalaan at public universities.

Ang training ay pinangasiwaan ng Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans, and Landscapes (SIBOL) project ng USAID.

Kabilang sa mga sumailalim sa training ang mga natural resource managers at researchers mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Economic and Development Authority (NEDA), Palawan Council for Sustainable Development, at anim na public universities.

Courtesy: US Embassy

Itinuro sa training ang iba’t ibang method ng pagsukat sa value of benefits mula sa kapaligiran gaya ng pagkain, tubig, fuel, soil conservation, at coastal protection. 
 
Sinabi ng USAID na mahalaga na competent ang natural resource managers sa pag- account at pag-monitor ng economic value ng ecosystem services sa bansa.

Sa ganitong paraan anila ay mas mauunawaan ang mga nasa likod ng natural resource depletion at makabuo ng mga kinakailangang interventions para mapangalagaan ang biodiversity, karagatan, at landscapes sa bansa.

Magagamit ang mga kaalaman at skills sa aktuwal na implementasyon ng natural capital accounting activities. 

Kabilang dito ang updating ng asset accounts, o value of resources na matatagpuan sa mga kagubatan, coral reefs, at fisheries ng bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: