2nd round ng bayanihan bakunahan laban sa COVID-19, ikinasa na ng pamahalaan
Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na lumahok sa unang round ng Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 na ginanap noong November 29 hanggang December 1 at nagkaroon pa ng extension mula December 2 hanggang December 3.
Sa regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na malaking bagay ang isinasagawang Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 dahil umabot sa mahigpit 10 milyong indibidwal ang nabakunahan.
Ayon sa Pangulo inihahanda ng pamahalaan ang second round ng Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 sa December 15 hanggang December 17 upang lalo pang mapalakas ang mass vaccination effort ng gobyerno para makontrol na ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Batay sa report na tinanggap ng Pangulo mahalaga ang pagbabakuna sa bawat mamamayan para malabanan ang COVID-19 lalo na ngayong nagbabanta ang Omicron variant.
Vic Somintac