3.5 milyong halaga ng assistance, naipagkaloob na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette- DSWD
Nasa 3.5 milyong pisong halaga na ng mga relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, kabilang dito ang Caraga, Eastern at Western Visayas, at Mimaropa region.
Mayroon pa aniyang higit 900 milyong halag ang stockpiles at standby funds ang ahensiya na maaaring magamit ng mga apektadong residente.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na magbigay ng pondo para sa mga lugar na dinaanan ng bagyo kahit pa paubos na ang pondo ng gobyerno dahil sa Covid-19 response.
Maliban dito, sinabi ni Dumlao na nagpapatuloy ang repacking ng mga family food pack para sa mga evacuee.
Nakikipag-ugnayan din ang DSWD sa Philippine Air Force at Philippine Coast Guard para sa mabilisang pagbiyahe at pagdadala ng mga relief sa mga island municipality na sa ngayon ay putol pa ang linya ng komunikasyon at kuryente.