3 bagyo at 2 LPA, mino-monitor ng PAGASA

Tatlong bagyo at dalawang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng bansa.

Kabilang sa minomonitor ng PAGASA ang Typhoon Noru at Tropical Storm Kulay na parehong nasa Hilagang Silangan ng Pilipinas at nasa labas  ng Philippine Area of Responsibility.

Nasa labas pa rin ng bansa ang isa pang Tropical Storm na Sonca na nasa bahagi naman ng Kanluran, habang may isang LPA na nasa Hilagang Silangan.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na pumasok sa bansa ang tatlong bagyo.

Gayunman, pinalalakas ng mga ito ang umiiral na habagat na nasa Western Section ng Luzon at Visayas.

Ang LPA naman na nasa loob ng PAR ay huling namataan sa layong apatnaraan at apatnapung kilometro sa Silangan Hilagang Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahan na sa mga susunod na oras ay posibleng maging ganap na bagyo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *