3 na nagpakilalang ahente ng NBI, arestado sa pangingikil

 Inaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang tatlong indibidwal na nagpanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos tangkaing kikilan ang isang tindahan sa Aseana 1 Bldg., Blk 2, E. Cuenco, Barangay Tambo, Parañaque noong Oktubre 19.
 
Naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw kung saan ang mga suspek na nakilala sa mga alyas na Bernard, 44, Lenon, at John ay pumasok sa nabanggit na establisimyento at nagpakilalang mga taga NBI.

Nagpakita sila ng pekeng search warrant at inakusahan ang tindahan na nagbebenta ng ilegal na tabako at sigarilyo.
 
Tinakot ng mga ito ang kahera ng tindahan na si Shanine at sinabing magbigay ng P100,000.00 upang makaiwas sa parusa dahil sa pagbebenta ng ilegal na produktong tabako.
 
Masuwerteng may nagpapatrolyang mga pulis sa lugar kaya agad nakahingi ng tulong ang gwardya na nakapansin ng komusyon sa establisyemento kaya agad na nadakip ang tatlo.

 sila rin ang itinuturong sangkot sa panloloob sa isang spa sa lugar nito lamang nakaraang buwan kung saan nasa 38k pesos na pera ang natangay nila.

Jim Tejano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *