300 metric tons ng bigas mula sa Japanese gov’t, ibibigay sa mga naapektuhan ng bagyong Odette
Dumating na sa bansa ang 300 metrikong toneladang bigas mula sa gobyerno ng Japan para sa mga taong naapektuhan ng bagyong Odette.
Ang donasyon ay ginawa sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative.
Ininspeksyon nina Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko at NFA Administrator Judy Carol Dansal ang mga donasyong bigas.
Ayon sa Japan Embassy, dadalhin at ipamamahagi ang mga bigas sa mga apektadong pamilya sa Cebu, Bohol at Surigao del Norte sa oras na makuha ng NFA ang approval mula sa APTERR Council.
Ang APTERR ay regional cooperation na nagsimula noong 2012.
Pakay nito na mapatatag ang seguridad sa pagkain, maibsan ang kahirapan at masawata ang malnutrisyon sa mga miyembrong bansa.
Moira Encina