300 sako ng binhing palay, ipinamahagi ng Imus City Agriculture Office para sa kanilang mga local farmer.

Nasa 300 sako ng mga binhing pananim na palay ang ipinamigay ng Imus City Agriculture Office para sa mga magsasaka sa kanilang lugar. 


Ito ay para matulungan ang mga magsasaka sa siyudad na mapataas ang produksyon ng bigas na siyang pangunahing pagkain ng mga pilipino. 


Bahagi din ito ng programa mg lungsod para sa seguridad ng pagkain at pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. 


Bukod sa ipinamahaging 300 sako ng mga binhing palay ay inaantabayanan pa ang karagdagang 200 sako ng mga binhi para sa iba pang mga magsasaka nangangailangan ng ipangtatanim na palay. 


Pinasalamatan naman ng City Govt Imus Cavite ang Department of Agriculture sa suporta at tulong na ibinigay sa kanila ng ahensya para sa kanilang mga local framers.

Ulat ni Jet Hilario

Mga local farmer na nabigyan ng binhing pananim mula sa Imus City Agriculture Office
Please follow and like us: