32 Establisimyento sa El Nido, Palawan, pina-aalis dahil sa mga paglabag
Pinaaalis ni Environment Secretary Roy Cimatu ang nasa 32 establisimyento na iligal na itinayo sa beach ng isang cove sa El Nido, Palawan.
Matatagpuan ang mga ito sa mga barangay ng Masagana at Buena Suerte sa kahabaan ng Bacquit Bay.
Ayon kay DENR-Mimaropa Director Natividad Bernardino, isisilbi nila ang eviction order ngayong linggo.
Inilabas ni Cimatu ang kautusan matapos matuklasan ng DENR-Mimaropa na 99% ng Tourism establishments sa El Nido ay lumabag sa Batas-Kalikasan.
Ayon kay Bernardino, sa 294 establisimyento sa tanyag na tourist spot, dalawa hanggang tatlo lamang dito ang sumunod sa Environmental regulations.
Ayion kay Maria Socorro Abu, Regional Director for Environmental management, ilan sa mga paglabag ng mga establisimyento ay kawalan ng Environmental certificates, Discharge permits, Permits to operate at Hazardous waste registrations.
================