34 katao patay sa landslide sa Colombia
Tatlompu’t apat katao ang nasawi nang gumuho ang lupa sa isang paliku-likong kalsada, na bumagsak sa isang bus at iba pang mga sasakyan sanhi ng malakas na pag-ulan sa hilagang-kanluran ng Colombia.
Ang nangyaring landslide ay nagbunsod para sa pagsasagawa ng isang malawak na rescue effort, kung saan dose-dosenang katao ang naghukay gamit ang backhoes at excavators, sa paghahanap sa mga biktima.
Ayon sa National Unit for Disaster Risk Management, kabilang sa mga namatay ay walong menor-de-edad at siyam katao rin ang nasaktan sa sakuna na nangyari sa malayong bayan ng Pueblo Rico.
Sinabi ng civil defense officials, na ang bus ay umalis mula sa lungsod ng Cali na may 25 pasahero, at 270 kilometro na (170 milya) ang itinatakbo nito nang mabagsakan ng gumuhong lupa habang dumaraan sa Andes mountain region.
Ayon sa report ng Colombian media, isang batang nakaligtas ang kinuha mula sa kaniyang ina na nasawi sa sakuna.
Kuwento naman ni Andres Ibarguen, isa sa mga nakaligtas, “Part of it was coming down and the bus was a little bit back from that. The bus driver was backing up when it all came crashing down.”
Ayon sa gobyerno, ang rainy season na nagsimula noong Agosto ang pinakamalala sa loob ng 40 taon na naranasan sa Colombia, na nagdulot ng mga aksidente na ikinasawi na ng higit 270 katao.
Ang bansa ay nagdeklara ng isang national disaster dahil sa mga pag-ulan na iniuugnay sa hindi pangkaraniwang tagal ng La Nina weather phenomenon, na nagpalamig sa surface temperatures at kasalukuyang nagdudulot ng tagtuyot at pagbaha sa buong mundo.
Sinabi ni Javier Pava ng UNGRD, “Today, the landslide ‘puts this town in mourning,’ tomorrow it could be in another area, because we really have many unstable areas in the country, and the rainy season has not ended.”
Noong isang linggo ay inihayatg ng World Meteorological Organization ng United Nations, na ang La Nina conditions ay maaaring tumagal ng hanggang Pebrero o Marso, 2023.
Sa Colombia, ang La Nina phenomenon ay nagdulot din ng pinsala sa pananim, sanhi upang makompromiso ang mga suplay ng pagkain na humantong sa pagtaas ng presyo nito.
© Agence France-Presse