34 patay sa dalawang jihadist attacks sa Burkina Faso

Photo: AFP

Hindi bababa sa 34 katao ang napatay ng hinihinalang jihadists, sa pag-atake ng mga ito sa mga village sa northern Burkina Faso.

Sinabi ni Boucle du Mouhoun regional governor Babo Pierre Bassinga, na sa hilagangkanlurang bahagi ng bansa ay 22 katao kabilang ang mga bata, ang napaulat na napatay sa Bourasso sa Kossi province.

Ayon naman sa isang security source na ayaw magpakilala . . . “Armed men moved around the village at around 5:00 pm, firing in the air. They came back at night and blindly opened fire on people.”

Isa pang security source na ayaw ding magpakilala ang nagsabi na sa northern Burkina Faso, ay 12 katao ang namatay sa nangyaring pag-atake sa Namissiguima, Yatenga province.

Tatlo sa mga nasawi ay mga miyembro ng isang civilian militia, ang Volunteers for the Defense of the Fatherland (VDP) — isang auxiliary force na binuo noong December 2019 bilang suporta sa army.

Mula pa noong 2015, ay nakikipagbuno na ang Burkina Faso, na isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo sa jihadist insurgency, na nag-umpisa sa kalapit nitong Mali.

Photo: AFP

Ang kampanya na karamihan ay pinangungunahan ng mga grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda at sa Islamic State group, ay kumitil na ng libu-libong buhay, at pumuwersa sa humigit-kumulang 1.9 na milyong katao na lisanin ang kanilang tahanan.

Batay sa official figures, higit 40 porsiyento ng bansa ay hindi na kontrolado ng gobyerno.

Nagkaroon ng kudeta sa Burkina Faso noong Enero, nang patalsikin ng mga hindi nasisiyahang koronel ang nahalal na pangulong si Roch Marc Christian Kabore.

Idineklara ng bagong lider na si Lieutenant-Colonel Paul-Henri Sandaogo Damiba, na prayoridad niya ang seguridad ngunit pagkatapos ng sumandaling pagkalma, ay muling nagkaroon ng mga pag-atake na ikinasawi ng daan-daang katao.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: