34 patay sa pagsabog ng isang ilegal na fuel depot sa Benin
Hindi bababa sa 34 katao ang nasawi sa Benin malapit sa Nigerian border, matapos sumabog ang isang fuel depot.
Naganap ang pagsabog sa isang bodega ng smuggled fuel sa bayan ng Seme Podji sa southern Benin, kung saan may mga nakapilang sasakyan, motorsiklo at tricycle taxis para magkarga ng gasolina.
Ang Nigeria ay isang pangunahing producer ng langis at ang pagpupuslit ng gasolina ay karaniwan sa loob ng bansa at sa mga hangganan nito, na may mga ilegal na refinery, mga tambakan ng gasolina at mga pipeline na kung minsan ay nagiging sanhi ng mga sunog.
Kuwento ng isang karpintero na si Innocent Sidokpohou, “I am still in shock. We heard people screaming for help. But the intensity of the flames was too much for people to try to approach. I got gas for my motorbike to go do my shopping. I left and barely five meters away I heard an explosion. When I turned around it was all black smoke.”
sinabi ng Interior Minister ng Benin, na isang malubhang sunog ang nangyari sa bayan, ngunit hindi na nagbigay ng detalye sa kung paano ito nangyari.
Ayon sa opisyal, “Unfortunately we have 34 deaths including two babies. Their bodies are charred because the cause of the fire is smuggled fuel. Another 20 people were being treated in hospital, including some in serious condition.”
Sa nakalipas na mga dekada, ang murang subsidized na gasolina ng Nigeria ay iligal na ibinibiyahe sa mga kalsada patungo sa mga kalapit na bansa, pangunahin ang Benin, kung saan muli itong ibinibenta ng mga informal seller sa black market.
Nang maupo sa puwesto noong Mayo, inabandona ng Pangulo ng Nigeria na si Bola Ahmed Tinubu ang matagal nang subsidy na naglalayong panatilihing artipisyal na mababa ang presyo ng petrolyo para sa mga Nigerian.
Dahil sa subsidiya, nagagastusan ang gobyerno ng bilyun-bilyong dolyar kada taon kaya ito ang ginawa ni Tinubu na una sa isang serye ng mga reporma na ang target ay ayusin ang ekonomiya ng Nigeria at maka-akit ng mas maraming pamumuhunan.
Ang naturang desisyon ay nagdulot ng pag-triple ng mga presyo ng petrolyo sa Nigeria, at nakaapekto rin sa presyo ng black market fuel na ipinupuslit sa hangganan patungo sa Benin at iba pang mga bansa.
Ang desisyon sa subsidy ng Nigeria ay nagpapakita ng pagiging lubhang “dependent” ng ekonomiya ng Benin sa higanteng kapitbahay nito, na may 215 milyong mga naninirahan, ang pinakamalaking ekonomiya sa kontinente bilang isa sa mga nangungunang producer ng langis sa Africa.