36 na inmates mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid, nagpositibo sa rapid test
Sumailalim sa rapid testing ang 200 persons deprived of liberty o PDLs sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.
Ayon sa Bureau of Corrections, mula sa 200 ay nagpositibo sa rapid test ang 36 na PDLs.
Dinala sa Site Harry isolation facility sa Bilibid ang mga nagpositibong inmates.
Doon ay isinailalim din sa RT PCR swab testing ang mga PDLs.
Kung magpopositibo sila sa confirmatory test ay patuloy silang mananatili sa quarantine area hanggang sila ay gumaling.
Ang mga lalabas na negatibo naman ay pababalikin na sa kanilang selda.
Sinabi ng BuCor na ang tuluy- tuloy na rapid test at swab test na isinasagawa nila sa mga PDLs ay napatunayang epektibo para maiwasan ang pagkalat ng Covid sa kulungan.
Katunayan nito ang mababang low infection rate at active cases at ang mataas na recovery rate sa mga Covid case sa mga kulungan ng BuCor.