37 lalawigan pinangangambahang mapasok muli ng Komunistang grupo kapag tinanggal ang budget ng NTF-ELCAC
Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III na maaring mapasok muli ng mga terorista at komunistang grupo ang mga lalawigan kapag tinanggal ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang iginiit ni Sotto sa harap ng panawagan ng kaniyang mga kasamahan na tanggalan ng pondo ang ahensya dahil sa pagdawit sa Red Tagging sa ilang personalidad at mga organizers ng Community pantry.
Malinaw naman aniya sa budget deliberation sa Senado na maganda ang mga programa ng Task Force at nakatutulong para maresolba ang problema ng gobyerno sa recruitment ng komunistang grupo.
Katunayan sa isinumiteng datos ng NTF-ELCAC, umabot na sa 37 mga probinsya ang nalinis mula sa New People’s Army infiltration.
Sa halip na alisin ang budget, dapat aniya ay tanggalin na lang sina General Antonio Parlade at NTF-ELCAC Spokesperson Loraine Badoy.
SP Sotto:
“Removing the NTF-ELCAC budget would be giving back 37 provinces to the terrorists for their playground. Remove the talkative ones instead”.
Meanne Corvera