37 lugar sa bansa kabilang ang 8 NCR areas, itinaas sa Alert level 4 ng DOH
Itinaas na sa Alert level 4 ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 situation sa 37 na lugar kabilang na ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, sa NCR kabilang sa Alert level 4 ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati at San Juan.
Sa Cordillera Administrative Region, kabilang rito ang Apayao, Baguio City, at Benguet.
Sa Region 1 naman ay ang Ilocos Norte.
Sa Region 2 ay Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Sa Region 3 ay Angeles City, Bataasn, Olongapo City Pampanga, at Tarlac.
Sa Region IV-A ay Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Lucena City
Sa Region 6 ay Iloilo at Iloilo City.
Sa Region 7 ay Cebu, Cebu city, Lapu Lapu City at Mandaue City.
Sa Region 8 ay Tacloban City
Sa Region 10 ay Bukidnon, Cagayan de Oro City, at Camiguin
Sa Region 11 ay Davao City; at
Sa Region 12 ay General Santos City.
Sa ilalim ng alert level 4, mahigpit na ipatutupad ang granular lockdown kung kinakailangan at active case findings lalo na sa mga lugar na may local cases ng delta variant.
Kailangan ding patataasin ang hospital beds lalo ang ICU beds sa mga level 2 at 3 hospital at matiyak na may sapat na oxygen supply.
Ang health care capacity issues naman ay dapat na matugunan hindi lang locally kundi maging sa regional at national level.
Ayon kay Vergeire, sa 17 lungsod sa NCR, 16 na ang may delta variant cases.
Madelyn Moratillo