37 lugar sa Pasig City isinailalim sa Granular Lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Inilagay sa granular lockdown ang 37 kalye at compound sa Pasig City dahil sa biglang pagdami ng kaso at pagsulpot ng mga variants ng COVID-19.

Sa Executive Order ni Pasig City Mayor Vico Sotto, sinabi na magtatagal hanggang April 1 ang lockdown sa 37 lugar mula sa 19 na Barangay sa lungsod.

Ang mga ito ay ang sumusunod:

BAGONG ILOG
Tatco St.
Flores St.
Santiago St.
Bagong Katipunan
Asedillo St.

BAMBANG
F. Castillo St.
Pio Alvarez St.

CANIOGAN
Col. P. Licsi St.
Rose St., Villa Upeng
Tatlong Bayani St.

DELA PAZ
Poinsettia St., Sonia Subdivision
Karangyaan St., Ph 2A, Karangalan Village

KAPITOLYO
Sta. Teresita St.

MANGGAHAN
Ampalaya St., Napico

MAYBUNGA
158 Westbank Road, Floodway
405 Dr. Sixto Antonio Avenue

ORANBO
204 Hillcrest Circle

PALATIW
M.H. Del Pilar St.

PINAGBUHATAN
2024 Salandanan St.
013 Willa Rey Village
Blk. 23 Kenneth, Eusebio Ave., Nagpayong
Ph2 Blk. 4, Ilugin
M.H. Del Pilar St.

ROSARIO
28 C Ortigas Ave., Ext.
ROTC St.
Bernal St.
130 Dr. Sixto Antonio Ave.
6 Emerald St., Doña Juana

SAN JOAQUIN
Villa Hernandez St.
Villa Tupaz

SAN MIGUEL
Dr. Pilapil

SAN NICOLAS
33 F. Cruz St.

STA CRUZ
Kap Ato St.

STA. LUCIA
1050155 Ave., Soldier’s Village
54 Rosario Village
Blk 1 Lot 5, Tamarind Rd, Summerfield, De Castro

SUMILANG
Jabson

UGONG
C. Santos St.

Ang granular lockdown ay idineklara alinsunod sa rekomendasyon ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng Pasig.

Nilinaw ng alkalde na hindi ito kagaya ng ECQ dahil papayagang lumabas ang mga papuntang trabaho o may emergency.

Pero, bawal ang bisita at hindi pwedeng lumabas ang mga hindi Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Magiging istrikto rin sa mga nasabing lugar ang mga pulis at opisyal ng barangay.

Sinabi ni Sotto na malapit na sa full capacity ang mga ospital sa lungsod kaya manatili muna sa mga bahay kung walang importanteng lakad.

Moira Encina

Please follow and like us: