37 patay sa stampede sa Congo capital
Tatlompu’t pitong mga kabataan ang nasawi sa isang stampede sa panahon ng isang army recruitment drive sa isang stadium sa Brazzaville, kapitolyo ng Republic of Congo.
Noong isang linggo, ang army sa central African nation na kilala rin sa tawag na Congo-Brazzaville, ay nag-anunsiyo na magre-recruit ito ng 1,500 katao na ang edad ay nasa pagitan ng 18 at 25.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Prime Minister Anatole Collinet Makosso, na ang 37 katao ay nasawi sa isang “trahedya,” habang hindi pa matukoy ang bilang ng mga nasaktan.
Ayon pa sa pahayag, “A crisis unit has been set up under the authority of the prime minister.”
Ang mga aplikante ay inatasang magtungo sa Michel d’Ornano stadium sa sentro ng Brazzaville.
Ayon sa mga lokal na residente, marami pa ring tao sa loob ng stadium nang mangyari ang stampede.
May ilan na pinilit na lumabas sa pamamagitan ng mga gate, kung saan marami sa mga ito ang natapakan.
Sinubukan ng ilan na dumaan sa mga gate para makalabas, at marami ang naapakan dahil sa pag-aagawan.
Hindi pa rin malinaw at hindi pa maberipika ang mga detalye sa nangyari.