37 PUV drivers sa Cagayan de Oro city, pinagmulta dahil sa hindi pagsusuot ng face shield
Mahigpit na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) sa Cagayan de Oro City ang Mandatory wearing of face shield policy sa mga Public Transportation.
Pinagmulta ng dalawang libong piso ang 37 PUV drivers na nahuling lumalabag sa nasabing patakaran sa unang araw ng pagpapatupad nito sa lungsod.
Ayon kay LTO-Central Visayas Director Victor Caindec, nagsasagawa sila ng random inspection sa mga driver at konduktor na papayagang sumakay ang mga pasaherong hindi nakasuot ng face shield.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTR) na mandatory na ang pagsusuot ng face shield habang nakasakay sa mga pampublikong transportasyon.
Obligado na rin ang mga empleyadong magsuot ng face shield sa lugar ng kanilang trabaho simula August 15.