4 day work week inirekomenda ng NEDA kay Pangulong Duterte para makatipid sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
Iminungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte ng National Economic Development Authority o NEDA ang pagpapatupad ng 4 day work week para makatipid dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Batay sa rekomendasyon ni NEDA Director General Secretary Karl Chua sa Pangulo makakatulong sa energy conservation ang 4 day work week sa pribado at pampublikong mga tanggapan dahil nasubukan na ito noong 1990 Gulf War at 2008 global financial crisis.
Ayon kay Secretary Chua magtatrabaho ang lahat ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong pagawaan ng 40 oras sa loob ng 4 na araw upang matumbasan ang work load requirments na 40 oras sa loob ng 5 araw dahil sa halip na 8 oras na duty kada araw ay gagawin itong 10 oras.
Inihayag ni Chua sa pamamagitan ng 4 day work week scheme malaki ang matitipid sa kuryente sa mga tanggapan at sa transportation expenses ng mga manggagawa.
Vic Somintac