4 Sugatan sa nangyaring sunog sa Sta. Cruz , Maynila; 100 pamilya nawalan ng tirahan
Nasa 200 indibidwal o katumbas ng 100 pamilya ang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Sta. cruz sa Maynila.
Ayon kay Fire Sr. Supt. Christine Doctor-Cula, BFP Manila district fire marshal ,nagsimula ang sunog bandang 11:23am at mabilis itong iniakyat sa ikatlong alarma bandang 11:30am.
Nasa 50 hanggang 70 bahay ang nadamay sa sunog.
12:04 pm dineklarang under control ang sunog bandang 12:40 pm naman ito tuluyang nadeklarang fire out.
Apat ang sugatan na nagtamo ng minor burns.
Ang itinuturo ng mga residente na dahilan ng sunog mga baga na galing sa pinuputol na bakal mula sa dinedemolish na eskwelahan.
Giit naman ng kapitan ng barangay hindi inugnay sa kanila ang ginawang pagputol ng mga bakal.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang tulong sa mga nasunugan.
Madelyn Villar – Moratillo