40 domestic flights kanselado dahil sa power outage sa NAIA Terminal 3
Apektado ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, Mayo 1 dahil sa nararanasang power outage sa Terminal 3.
Sa flight advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) as of 8:10am , kabuuang 40 flights ang kanselado dahil sa aberya sa suplay ng kuryente
Kabilang sa mga ito ang mga biyahe na papuntang Tuguegarao, Cagayan, Dipolog, Puerto Princesa, Cotabato, Pagadian, Tacloban, Iloilo, Caticlan, Ozamiz, General Santos, Zamboanga, Butuan, Davao, Cauayan, Cebu, Panglao, at Bohol.
Wala pa namang anunsiyo kung may international flights na apektado.
Ayon sa MIAA, ala una singko ng madaling araw ng Lunes nang mawalan ng kuryente.
Sa ngayon ay mahigit walong oras na ang power outage at ang standby power ang nagsu-supply ng kuryente sa mga kritikal.
Mahaba na ang pila ng nga pasahero na nataon pa naman na holiday.
Apektado ng power outage ang suplay ng tubig at air conditioning kaya mainit sa loob ng terminal.
Kaya naman ang mga pasahero at nagpapaypay na lang.
Inaalam na ng MIAA engineering team at ng Manila Electric Company (MERALCO) technical power ang sanhi ng power failure.
Flight Advisory No. 1
As of 8:10 A.M.
May 1, 2023 (Monday)
Canceled flights due to power outage
Cebu Pacific (5J)
5J 504/503 Manila-Tuguegarao-Manila
5J 325/326 Manila-Daraga-Manila
5J 383/384 Manila-Cagayan-Manila
5J 196/197 Manila- Cauayan-Manila
5J 703/704 Manila-Dipolog-Manila
5J 637/638 Manila- Puerto Princesa-Manila
5J 911/912 Manila- Caticlan-Manila
5J 553/554 Manila-Cebu-Manila
5J 617/618 Manila- Panglao-Manila
5J 483/484 Manila- Bacolod-Manila
5J 951/952 Manila-Davao-Manila
5J 793/794 Manila- Butuan-Manila
5J 859/860 Manila- Zamboanga-Manila
5J 993/994 Manila- General Santos-Manila
5J 781/782 Manila- Ozamiz-Manila
5J 909/910 Manila-Caticlan-Manila
5J 449/450 Manila-Iloilo-Manila
5J 659/660 Manila-Tacloban-Manila
5J 887/888 Manila- Cotabato-Manila
5J 773/774 Manila- Pagadian-Manila
Total of flights: 40
Moira Encina