400 percent na increase sa Catastrophe Insurance hinarang sa Kamara
Kinuwestiyon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang 400 percent na pagtaas ng Catastrophe Insurance na pinahintulutan ng Insurance Commission sa pamamagitan ng circular letter number 2022-34 na inilabas noon pang July 2022.
Sinabi ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee hindi dapat patawan ng karagdagang pasanin ang mga consumers at Micro Small and Medium Enterprises samantalang kumikita ng malaki at hindi naman nalulugi ang mga insurance company.
Bago ang plenary budget deliberations ng Insurance Commission naghain ng resolusyon si Lee para ilantad ang hindi makatarungan na increase ang Catastrophe Insurance Premium na hindi dumaan sa konsultasyon sa mga private sectors at mga end users dahil magdudulot ito ng pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo.
Inakusahan din ng mambabatas ang Insurance Commission ng pagkakaroon ng conflict of interest matapos pumirma ng Memorandum of Understanding sa mga Insurance Companies para maitatag ang Philippine Catastrophe Insurance Facility.
Nangako naman si Insurance Commission Commissioner Reynaldo Regalado na babawiin ang kautusan na nagpapahintulot ng pagtaas ng insurance premium at ganun din ang Memorandum of Agreement sa mga Insurance Companies.
Vic Somintac