400 Pinay nurse, kailangan sa Germany

Naghahanap ang Germany ng apatnaraang Filipino nurse para punan ang mga bakanteng pwesto sa mga ICU, general at geriatric care wards ng mga ospital nito.

Ito ang inanunsyo ng DOLE at Philippine Overseas Employment Administration  batay sa abiso ng  International Placement Service of the German Federal Employment Agency.

Ayon pa sa DOLE, ang mga kwalipikadong nurse ay makakatanggap ng starting monthly salary na 1,900 euros at tataas ito ng 2300 euros.

Dapat ang mga aplikante ay Filipino at permanent resident ng Pilipinas, may apat na taon edukasyon ng Bachelor of Science in Nursing at may aktibong Philippine Nursing License at hindi bababa sa dalawang taon na karanasan sa mga ospital, rehabilitation centers at care institutions.

Kailangan din na proficient o mahusay sa German language ang mga aplikante at handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas na babayaran ng employer.

Ang mga qualified applicants ay maaring mag-register online sa www.eregister.poea.gov.ph at personal na isumite ang lahat ng kinakailangan dokumento bago o sa may 15, 2017.

Ang job opportunity na ito ay bunsod ng kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at Germany na Triple Win Project.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *