48 Pamilya na Nasalanta ng Bagyong Lando sa San Jose City, Nueva Ecija, Tumanggap ng 10K na Cash Assistance
Naipamahagi na ang tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) para sa 48 pamilya na lubhang nasalanta ng bagyong Lando noong 2014 sa San Jose City, Nueva Ecija.
Sampung libong piso ang natanggap ng 39 na pamilya na kabilang sa mga may partially damaged houses, habang tatlumpung libong piso naman ang natanggap ng siyam na pamilya na naitalang may totally damaged houses.
Iginawad nina City Social Welfare Development Officer Lourdes Medina at City Councilor Patrixie Salvador, kasama ang kinatawan ng DSWD Field Office 3 ang mga tseke sa mga benepisyaryo.
Tuwang-tuwa naman at malaking pasasalamat ang ipinaabot ng mga residente sa tulong na kanilang tinanggap mula sa pamahalaan.
Ulat nina Ella Reyes/ Emil Baltazar