49 DFA officials, lusot na sa Commision on Appoitnment
Kinumpirma na ng Commission on Appointment (CA) ang Interim Appointment ng 49 na mga Opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa 49 ay 22 ang personal na humarap sa mga miyembro ng CA habang ang iba ay dumalo sa Confirmation Hearing On Line dahil sila ay nakatalaga sa iba’t ibang bansa.
Ilan lamang sa mga Opisyal ang tinanong ng mga Miyembro ng CA Foreign Affairs Committee na pinamumunuan ni Senador Jinggoy Estrada.
Kabilang dito si Chief of Mission Robert Ferrer Jr. na tinanong ni Senador Imee Marcos kung may magandang balita na sa 17 Seafarers na dinukot ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen sa bahagi ng Red Sea.
Ayon kay Ferrer, aktibo ang partisipasyon sa negosasyon ng mga Ambassador ng Pilipinas sa Oman at Qatar para sa paglaya ng 17 nating mga kababayang Seamen.
Umaasa si Sen Imee na mapakawalan ang mga ito bago sumapit ang holiday season para sa kapanatagan ng kanilang pamilya.
Kasama ni Ferrer na na-confirm sina Chief of Mission Class 1 Maria Teresa Torres Almojuela at Bernadette Therese Chiu Fernandez, Chief of Mission Class 2 Kristine Leilani Rodrigueza Salle, Career Ministers Lorena Joy Paderna Banagodos, Joselito Chad Nalus Jacinto Jr., John Gumapos Reyes at 42 na Foreign Service Officers Class 1.
Sa panig ni Senate President Juan Miguel Zubiri na siyang Presiding Officer ng CA, umaasa ito na sa kanilang confirmation ay lalo pang pagbubutihin ng mga ito ang kanilang serbisyo sa ating mga kababayan lalo na sa hanay ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Meanne Corvera