49 na mga nagtatanim ng Niyog sa Tanay Rizal, nakatanggap ng Cash and Food Subsidy mula sa Phil. Coconut Authority ng Dept. of Agriculture.
Tumanggap ng Cash and Food Subsidy ang nasa apatnaput-siyam (49) na mga eligible Coconut Farmer mula sa Tanay Rizal.
Ang naturang Cash and food subsidy ay mula sa Philippine Coconut Authority ng Dept. of Agriculture.
Bawat magsasaka ng niyog ay nakatanggap ng 3,000 pesos cash at 2,000 pesos worth ng bigas, itlog at karne ng manok.
Bahagi ito ng programa ng PCA para sa mga
Marginal Farmer and Fisherfolks sa bansa.
Pinangunahan ng mga opisyal ng PCA Laguna and Rizal Province ang pamamahagi ng tulong sa mga lehitimong magsasaka ng Niyog sa Rizal.
Umabot naman sa 245,000.00 pesos ang kabuuang halaga ang naipamahagi ng ahensya sa mga Coconut Farmer sa Rizal Province.