5.58 Milyong pisong hindi naibigay na Hazard pay sa mga miyembro ng SAF, pinaiimbestigahan na sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang umano’y anomalya sa 59.8 milyong susbsistence allowance at hazard pay sa Philippine National Police na sinasabing hindi naibigay sa mga tauhan ng Special Action Force o SAF.
Sa inihaing Senate resolution 712, nais ni Lacson na iparebisa sa Committee on Public order ang umiiral na batas at mga patakaran sa pagbibigay ng allowance sa mga tauhan ng PNP.
Nababahala si Lacson dahil kung totoo ang report, maaring magdulot ito ng demoralisasyon sa hanay ng PNP.
Batay aniya sa mga inaprubahang batas ng Kongreso, ang mahigit 4,000 Saf members at iba pang pulis na naka-assign sa mga delikadong operasyon, dapat mabigyan ng 30 pesos na karagdagang arawang subsistence allowance o katumbas ng 900 pesos kada buwan.
Pero nauna na aniyang inamin ni SAF Budget officer Senior Supt. Andre Dizon na hindi pa nila naipamahagi sa mga miyembro ng saf ang pondo sa halip ay ginamit ito bilang ooerational expenses, at pondo para sa kanilang fellowship at training na isa aniyang paglabag sa batas.
Ulat ni Meanne Corvera