5.768 trillion pesos 2024 proposed National Budget isinalang na ng Kamara sa Plenary Debate simula ngayong araw
Doble kayod ngayon ang mga mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso dahil sa halip na tatlong araw lamang ang session ay magiging limang araw sa loob ng isang linggo para matapos agad ang plenary deliberations ng 2024 proposed National Budget ng Pamahalaan.
Inumpisahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang Plenary Deliberations sa House Bill 8980 o General Appropriations Bill for fiscal year 2024 na nagkakahalaga ng 5.768 trillion pesos.
Sinabi ni Congressman Elizaldy Co Chairman ng House Committee on Appropriations na ang National Budget o General Appropriations Act ang pinakamahalagang piece of legislation na ginagawa ng Kongreso kada taon dahil ito ang magtataguyod sa economic at social services ng Pamahalaan.
Batay sa legislative calendar ng mababang kapulungan ng Kongreso dadaan sa Plenary Debate ang 2024 proposed National Budget ng Marcos Jr. Administration mula September 19 hanggang September 27 para pagtitibayin ang bersiyon ng Kamara bago ang adjournment ng session sa September 30.
Unang isinalang sa plenary deliberations ang proposed budget ng Department of Finance o DOF sumunod ang National Economic Development Authority o NEDA at Department of Tourism o DOT kasama ang kani-kanilang attached agencies.
Inumpishan ng House Committee on Appropriations ang committe deliberations ng 2024 proposed National Budget noong August 10 at natapos noong September 11.
Ayon sa proseso ng batas ipapadala ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Senado ang house version ng proposed National Budget para sa sariling version ng Senado at kung mayroong hindi pagkakasundo ay aayusin sa bicameral conference committee bago ipadala sa Office of the President ang final version ng dalawang kapulungan ng kongreso para pirmahan ng pangulo ng bansa.
Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na tapusin ang pagpapatibay ng 2024 National Budget bago ang holiday break sa December upang malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para maiwasan ang pagkakaroon ng re-enacted budget.
Vic Somintac