5.768 trillion pesos 2024 proposed National Budget pagttitibayin na ng Kamara
Matapos sertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent measures ang House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng 5.768 trillion pesos ipapasa na sa third and final reading ang house version para maipadala sa Senado bago ang recess ng session sa September 30 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez dahil sa Presidential Certification sa National Budget Bill mapapabilis na ang pagpapatibay ng Kamara dahil pagkatapos na pagkatapos ng second reading ay agad na itong pagbobotohan sa plenaryo para sa third and final reading.
Pinasalamatan din ng lider ng Kamara ang mga mambabatas na kabilang sa majority group at minority group dahil sa aktibong pakikilahok sa deliberasyon upang himayin ang pambansang pondo ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Ang 2024 proposed National Budget ay kinapapalooban ng mga pondo na gagamitin ni Pangulong Marcos Jr. sa pasusulong ng Economic Growth at Social Services para sa mabilis na pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya ng COVID 19 at climate change.
Vic Somintac