5.9-magnitude na lindol tumama sa Iran lima katao nasaktan
TEHRAN, Iran (AFP) — Lima katao ang nasaktan matapos tumama ang 5.9-magnitude na lindol sa southwestern Bushehr province sa Iran, na kinaroroonan ng isang nuclear power plant, subalit hindi naman lumikha ng major damage.
Ayon sa seismological agency ng Iran, ang 10-kilometrong lalim ng lindol, ay tumama 27-kilometro sa hilagangkanluran ng port city ng Genaveh, bandang 11:11 ng umaga (local time) at naramdaman sa mga kalapit na lalawigan.
Sa ulat naman ng state news agency IRNA, ang lindol at ilang aftershocks ay naging sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente at pagkaputol ng linya ng mga telepono sa kalapit na lugar, ngunit hindi naman nagdulot ng malubhang pinsala sa Bushehr nuclear complex na nasa 100 kilometro ang layo.
Ayon sa pinuno ng crisis management ng lalawigan . . . “The minor damage to Genaveh’s water, electricity, telecommunication and gas infrastructure has been repaired.”
Ang Iran ay nasa boundaries ng ilang major tectonic plates at malimit makaranas ng seismic activity.
© Agence France-Presse